Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Thursday, April 4, 2013

Anti-Bullying Anthem.


6:44:27 AM | 4/4/2013 | Thursday


“Hindi lahat ng mahina, nananatiling mahina. Hindi lahat ng malakas, palaging malakas. Hindi lahat ng mahina, mananatiling mahina. Mata mo’y iyong buksan, bumangon ka’t makialam.”

Hindi ko mawari kung paano ako nabighani sa boses ni Zia Quizon sa pagkanta ng chorus part ng kantang ito. Pero mas namangha ako sa mensaheng dala ng mga rap ni Gloc-9. Naglalarawan ng mga masasalimuot na karanasan ng isang batang tahasanag nilalait, inaalipusta, o sinisindak ng kapwa niyang kamag-aral. Kung ano ang epekto nito sa kanyang buhay, at pakikitungo sa tao. Sa sobrang lakas lang ng pangtitrip sa kanya, ito ay maituturing na isang kaso ng bullying.

Basta ang alam ko lang ay may matitiding mensahe ang nilalaman ng kantang ito. Parang pakikibaka ba? Oo, pero isang matinding hakbang laban sa hindi matapos-tapos na pakikidigma sa kaso ng paninindak.
Nagsama ang dalawa para sa isang awitin na may pinaparating na mensahe mula sa isang organisasyon na may adbokasiyang labanan ang pangbubully.


Ang kantang “Katulad ng Iba” ay ginawa ni Aristotle Pollisco para sa anti-bullying na kampanya ng Not In Our School. Laganap ang kaso ng bullying sa eskwelahan, karaniwan ang tinatamaan dito ay ang mag bata. Nagdudulot ito ng matinding danyos o pagkasira sa isang tao. Hindi lang sa pisikal na aspeto, kundi sa moralidad at sikolohikal na parte ng ating buhay.

Sadyang ang tindi lang ng mensahe nito. Lalo na para sa isa sa mga biktima ng pangbubully na tulad ko. Oo, nakakarelate lang talaga ako.

Huwag tayong magsiwalang-kibo. Tulungan natin ang mga naapi. Enough is enough, ika nga.

“Tayo’y  maging mapagmasid, tulungan natin sila. Huwag tayong maging manhid na katulad ng iba.”

Mapapanood ang music video nito sa YouTube channel ng Universal records.  
                                  
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions.

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...