Reader Advisory

Some articles may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to the other readers. READER DISCRETION is advised.

Wednesday, April 17, 2013

Ang Pinoy Pride at Ang Pagkatalo sa Boxing


5:40:54 AM | 4/17/2013 | Wednesday

“Pilipino lang ako pag nanalo si Pacquiao.” – The BOBO Song, Loonie

E pano ngayon na natalo na siya?

Ayan tayo e. Yan ang problema sa ating pagiging tagahanga sa boxing at sobra-sobrang pagdadala ng pride.
Sa nakalipas na 4 na buwan ay 3 beses na tayo nakatanggap ng matinding pagkatalo sa larangan ng pangpalakasan, particular sa boxing.


Pustahan, nagbago ang pananaw ng ilang mga Pinoy noong na knock-down ni Juan Manuel Marquez ang kanyang matinding karibal na si Manny Pacquiao. Isang matinding knockdown lang naman ang naganap. Hindi ko alam kung dala ito ng napakataas na ekspektasyon ng karamihan sa isang pund-for-pound king.

E paano yan, masamang resulta din ukol sa mga ibang alagad natin sa boxing ang naganap sa nakalipas na mga linggo? Natalo si Brian “The Hawaiian Punch” Viloria laban kay Juan Francisco Estrada. At ganun din ang sinapit ni "The Filipino Flash" Nonito Donaire nitong nakaraang linggo lang laban kay Guillermo Rigondeaux.

Ang pinagkaiba, yung iba, gusto ng rematch. Yung iba naman ay nangakong babangon muli at tinanggap ang pagkatalo. 

At sa hanay naman ng mga tagahanga, sa sobrang dismayado nila, panay masasakit na salita na lamang ang kanilang ibinibira laban sa mga natalong boksingero. Panay kantyaw na lang. Echapwera na. Kung mamalas-malasin ka pa, hindi ka pa papansinin ng media o ni walang “hero’s wlcome” na magaganap.

Ganyan ba tayo? Kung olats, wapakels na sa kanila? Kakantyawan na lang ba natin sila? Nakakalimot yata tayo na tao pa rin naman sila na kahit anong lupit at galling nila sa ibabaw ng canvas, dumarating pa rin ang panahon ng kanilang pagkabigo. Na kahit ang bigat ng kanilang pinapasan e ginagawa pa rin nila? Para kahit papaano ay maitaguyod ang pride nating mga Pinoy sa entablado ng boxing? 

Mga saksakan rin kayo ng pagiging gago e no? Ayus-ayusin niyo nga ang pagsasalugar ng pride at pagiging panatiko niyo.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!