Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Friday, April 5, 2013

Ang Pakikipagsapalaran ni Calvin Baterna sa Lansangan – EP 2: Same Driver, Same Pedestrian Lane


5:18:23 AM | 4/5/2013 | Friday

Sa palagiang pagdaan ni Calvin sa kalye ng Esteban Ronquillo papunta sa kanyang eskwelahan, palagi siyang tumatawid sa pedestrian lane. Hindi niya gusto ang magjaywalk kahit medyo madalang dumaan dun ang sasakyan. At depende nga lang sa lugar na pupuntahan nya kung mag-jejaywalk siya o hindi.

At sa mangilan-ngailang pagkakataon, may isang bastardong tsuper sa kanilang lugar. As in lagi lang naman siya nagmamahneho na parang siya ang hari ng kalsada. Walang haharang, dahil tiyak na mahi-hit and run ka kung magkataon na ikaw ay kanyang mabangga.


Pero hindi natinag ang bata sa isang pagkakataon na kelangan niya yatang turuan ang mokong ng leksyon.
Minsan siya tumawid papunta sa nasabing pedestrian lane. Halos palapit na siya sa center island noong napansin ang pagharurot ng mamang drayber. Napapreno ito na bigla at tumunog ang gulong dahil dun, sabay sikgaw ng “TANGINA! Magpapakamatay ka ba o papasok ka sa eskwelahan?” Sabay kambyo niya sa tersera at umabante na naman na a la The Fast and The Furious si Manong Rustico.

Nakita ito ng ibang tao, at napailing at nagbulungan na lang na lang sila sa ginawa ng mama. Wika ng isa ay “ang yabang ng gagong yun.  Alam niya na may tatawid, aarangkada pa na parang demonyo.” Sabay sagot naman ng isa ay, “Naku. Bakit ba ganyan ang asal ng mga tsuper sa panahon ngayon? Nakahawak lang ng manibela, akala mo kung sinong prominenteng nilalang kung umasta.”

Hindi lang si Calvin ang nabiktima ng ganitong insidente. Madalas, siya pa mismo ang makapapansin. May matanda nga na patawid papunta sa katapat na karinderya, aba’y manatakin mong sininghalan ito ni Rustico. “Dapat sa iyo nakawheelchair e. Babagal-bagal kang tanda ka amputa!” minsan nga ay may nakaantabay na traffic enforcer para matulungan ang sinumang tatawid nun, at walang sinanto si Rustico. “Ayusin mo ang pagsesenyas mo, kupal ka! Nagmamadali ako oh!”

Ilang araw at lumipas at nagkasalubong na naman ang landas ng dalawa. Sa pagkakataong ito, gumanti na ang batang siga.

Patawid siya at sakto nama’y may naka-antabay na isang enforcer para kontrolin ang mag pedestrian. Noong binigyan si Calvin ng senyales para tumawid, agad niya ito ginawa. At may umalingawngaw na ingay mula sa owner jeep ni Manong Rustico, sabay biglang preno.

Agad siyang sumigaw, “Hoy, tarantado! Sabihin mo lang sa akin kung magpapakamatay ka ha?! At sasagasaan talaga kita!”

Agad namang tinapik ni Calvin ang kanyang sasakyan at winikang “Nagbabasa ka ba ng mga babala? Tumingin ka nga sa tapat mo!” *sabay turo sa slogan na “SLOW DOWN. PEDESTRIAN CROSSING.”

“Aba, sumasagot ka pa ha!” Akmang sasampalin ng nakatatandang gago ang bata nang dumating ang isang babae at hinampas nito si Rustico ng kanyang baston. “Hoy! Anong gagawin mo sa kanya ha?” Ang mga salita ay galing sa isang matandang babae na kamuntikan niyang mabundol. Laking ulat lang ng mamang abusado. Sagot naman ni Calvin sa enforcer ay “Boss, sa tingin ko, dapat matanggalan ng lisensya tong kumag na ‘to. Ni pagrespeto sa lugar ng twairan e hindi yata alam nito eh.”

“Anong meron dito?” Ang paningit na sabi ng isang barangay tanod na napadaan lang. Sabay turo ng dalri kay Manong Rustico. “Siya po! Bastos na tsuper e. Akala mo kung sinong maangas kung magpatakbo ng sasakyan.”

Wika ng isang bystander e, “Aba, kahit sino yatang tatawid sa lugar e sasagasaan ng lokong yan e.”

“Oo nga! Balasubas ampucha!”

Namula sa takot si Manong Rustico. Aakma siyang sasakay kanyang sasakyan, at haharurot paalis nang hinarang siya ng mga tao. Bago pa man umandar ang kanyang sasakyan ay napaligiran na siya ng mga tao.

Sabay sampa ni Calvin sa harap ng kanyang owner at sabing “Bumaba ka d’yan! Harapin mo kami at ang kabalastugang ginagawa mo!” Pagkatapak sa kanyang silinyador ay isang mabigat na pagtapak naman sa kanyang sasakyan ang ginawa ni Calvin. Napahanga ang mga tao sa ginawa ng bata kahit sa una’y tila natatakot para sa kanya.

At dahil wala na siyang kawala, bumaba ang abusadong drayber, at biglang nagpakumbaba sa harap ng madla. Humihingi ng kapatawaran sa kanyang mga nasungitan, basatos sa kanyang ginawa, at nangakong hindi na uulit sa kanyang kabalastugan.

Mula noon, nagtanda si Manong Rustico. At ang tanging nasambit lang ni Calvin ay “Aba. Mabuti naman kung ganun.”

Napatunayan na anman ng batang siga ang kanyang angas, basta nasa tamang lugar siya, tulad ng pedestrian lane.

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...