Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Monday, April 22, 2013

A Rant Against A Stupid Jeje-Chicser Fan

4/22/2013 10:13:08 AM 

Pasadahan ko lang ‘to ha?

Hindi ko maimagine ang mga bata na magiging ganito ang asal sa kanilang magulang o nakatatanda, lalo na sa upasin ng kanilang mga hinahangaan.

https://www.facebook.com/AntiChicsers

Minsan naiisip ko, ganito na ba kalala ang sakit ng ilang mga malalanding fangirl sa panahon ngayon? As in mga jejefans, nga mga jejemon na tulad nila? Aba, halos wala itong pinagkaiba sa mga isang video na nagpapakita kung gaano sila katindi na maging tagahanga ni Danile Padilla e. Nahiya naman ang mga fan ng PBA, NBA, WWE, UFC, PXC at mga sikat na musikero sa panahon ngayon, noh? Grabe!

Hmmm.... hiniling mo mamatay ang erpat mo dahil hindi ka pinayagan pumunta sa event ng Chicer? E pano kung nangyari talaga yan? I mean, pumunta ka sa event at namatay ang erpat mo, baka pagisishan mo habang buhay yan, hija.

Ipagpapalit mo ang tatay mo sa Chicser? Naku, wala ka pa sa tamang panahon para magsabi ng ganyan. At baka nakalilimot ka na ang kung wala tatay mo, wala ka rin sa mundong ito. Hindi ka rin magiging tagahanga ng chicser. At kung stupid man ang ama mo, what more ka pa?

Naiintindihan ko na ang Facebook ay nagsisilbing lugar para mag-vent out ng frustration ang isang tao. Pero kapag ganun ginawa mo sisiguraduhin mo na responsible ka sa mga sinasabi mo, lalo na’t masaydong mapanganib ang mundo ng Facebook kapag may pumansin na sa pagrarant mo. Akala mo okay na ang lahat? Naku, asa. At kung magra-rant ka rin lang naman, e ayus-ayusin din pag may time. Facebook kaharap mo ‘te, hindi cellphone. At hindi na rin tanggap sa listahan ng kajologan ang jejemon, remember? (At kalian pa naging hit yun anyway?)

And what if pag nagpe-Facebook ang tatay mo at napansin n’ya ang mga ‘to? Goodluck sa sandamukal na sermon at palo na darating, hija.

On the other side, ayos din sana tong ‘post na ‘to. Kaso, alam mo kung ano ang kulang? Censorship. Kung sa mass media, bawal ang tahasang ilantad yan lalo na kung obvbious na sa obvious e bata yan. Dahil panigurado puputaktehin na naman ng panglalalit ang taong yan at tiyak panibagong kaso ng cyber-bullying yan.

Kung tutuusin, walang kasalanan ang Chicser dito. Alam mo kung sino? Yung bata na yan mismo. Masyadong nagpadala sa mga pautot na kabaduyan ng mainstream. Kaya ayan, parang nabaliw sa sariling kaligayahan na parang asong may rabbies na naulol sa sariling kagat.

Ayan ang resulta. Mag-aral kasi sa halip na manood ng mga kabalastugan sa TV at magpadala sa mga baduy na pautot ng mainstream. Tsk.


(Author's note: sinadyang inalter ang naturang litrato para na rin sa kapakananan ng naturang subject at ng awtor.)


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...