Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Wednesday, March 13, 2013

The Pick: Estrada Vs. Lim On-Air


11:36 PM | 03/13/2013

Isang mainit na debate na umalingawngaw sa umaga. Kaya siguro ito pa ang nakadagdag sa mala-impyernong trenta’y kwatrong antas ng sentigrado, no?

Ang salpukan ng dalawang kandidato para sa posisyon bilang alkalde ng lungsod ng Maynila. Sobrang init lang nila magbangayan sa ere, wala pang campaign period, nagsisi-ariba na ang mga maanghang na tirada ng mga ‘to ha? E what more pa ang naganap sa Umagang Harapan segment ni Anthony Taberna sa programang Umaga Kay Ganda ng ABS-CBN? Na ang patutsadahan nila Manila Mayor Alfredo Lim at Dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada.



(http://www.youtube.com/user/TheABSCBNNews?feature=watch)

Asiong Salonga versus Dirty Harry. Dating magkaalaydo na naging magkaribal sa pulitika. Ay, pulitika nga naman oh.

Kung anu-ano na lang ang argumento nila, mula sa utang sa Kuryente, serbisyo, hanggang sa hidwaan at pag-iyak at patawaran diumano ng isa, pagmamakaawa na sumali sa senatorial lineup, at sa hamunan sa paglalabas ng birth certificate.

Oo, as in kung anu-ano na lang ang laman ng mga sumabtan nila. Pulitika man o... as usual (kahit hindi naman talaga dapat maging parte ng anumang debate) – ang magka-personalan.

Isa lang sa kanila ang nagsasabi ng maling akusasyon at isa din d’yan ang tama. Ang problema lang... sino kaya ang paniniwalaan mo? Pareho silang may maiingay na fanbase, pareho rin sila na may baho, may mga sagot na wala sa mga straight-forward na tanong ni Ka Tunying. Iyan ang magandang tanong sa mga residente ng lungsod ng Maynila.

Mainit bang maituturing? Siguro dahil sa manner ng mga sagutan nila.

Pero maganda naman? Actually, parang hindi e. Anumang pag-aaway na labas na labas na sa isyung tinatalakay dapat e hindi na maganda.

Oo, UGLY nga na maituturing, lalo na sa sumbatan na “sinungaling.” Parang mga bata lang oh. Haha, malamang yun ang entertaining factor dun kaya siya nakakaaliw. Dinaig pa ang mga rap battle o ultimo ang talakserye pagdating sa hype ng mga ‘to.

At yan ang dahilan kung bakit ‘yan ang nasa spotlight ko para sa linggong ito. Ang bangayang Lim at Estrada na umalingangaw sa morning show at nagging popular hit pa ang replay video nito sa YouTube.

Saan hahantong ang bangayang ito? At sino kaya ang mananaig pagdating sa bilangan ng boto?

Ang mga Manilenyo na lang ang bahalang humusga sa kanila!

sources:
http://www.youtube.com/watch?v=jkbrWvQBYnI
http://www.youtube.com/watch?v=ZczLg2rcnDo
http://www.youtube.com/watch?v=IZaC38nL8fA
http://www.youtube.com/watch?v=SSVARLvVSAs



Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...