Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Thursday, March 7, 2013

Chicks ang isang broadcaster kapag...

11:50 PM | 03/07/2013

Ito ang napala ko sa kakatingin sa ilang mga memorabilia sa dekada ’80. Akalain mo, ang mga seryosong personalidad sa paghahatid ng balita, mga mala-beauty queen din pala nun? Tulad ng napanood ko na isang episode ng Goin’ Bananas (na umere sa Studio 23 noong Huwebes ng tanghali bilang parte ng Tawa Way Zone ng Jeepney TV timeslot) na kung saan ay tampok na guest nun ang mga babaeng anchor ng TV Patrol na si Angelique Lazo at Korina Sanchez.

At kung ihahambing mo ito sa kaasalukuyan, hindi mo mahahalata sa mga ‘to ang itsura nila tulad nooong isang commercial ng dating TV news personality ngayo’y senador Loren Legrada. Aba.
Kung panahon kasi ngayon ang pagbabasehan, halos wala kang makikilalalang news anchor na nasa late 20s pa lang. Madalas mo na lang mapapansin ang mga tsikas sa news department kapag reporter ito sa samu’t saring mga beat.

Kaya ito lang ang aking napagtanto, ang mga senyales na chicks ang isang broadcaster sa TV. Kapag...


Naging commercial model ito. Self-explanatory. Kung nalalabuan ka pa rin, prima fache. O sa mas madaling sabi, pleasing personality. Ang pagiging model kasi ang isa sa mga entry pass to stardom ng ilang mga celebrity. Dito sila nagsisimula, unless kung child actress ka.

Kung naging child actress ka. Magaling ka na umarte, magaling ka pa magkwento. Ayos.

Naging courtside reporter ito ng anumang miyembro ng mga eskwelahang kasali sa UAAP o NCAA (pero mas elitista kasi ang tyingin sa UAAP).  Siyempre, magkahalong school pride, sports, at communication skills na yan. Mas may dagdag na plus pogi, este, ganda points kung atleta siya nun.

Naging DJ ito sa radyo. Ke student DJ program man o isa talaga ito sa mga on-air personnel ng radyo, lalo na yung mga cliche type. Sabay ja-jump in sila sa Tagalog format ng balita e no? Ayos lang yan, para versatile sila sa lengwahe.

Naging campus heartrob. Parang yung nauna lang. Pag pang-chicks naman ang itsura mo, yun na.
Nag-guest na ito sa isang palabas o pelikula. Uso ito noon, lalo na kung may mga segment sa TV o eksena sa pelikula na kelangan may gumanap na isang reporter at may iniinterview na character. Mas credible sila kesa sa mga artistang gumaganap sa role nila, actually. Mas epektib ang akting.

O pwede rin sadyang elitista lang ang dating mo. Siyempre, may konek. Authoritative ang istilo mo dapat pag humarap sa kamera e. Yung tipong kaya mong mapaniwala ang tao sa mga sinasabi mo kahit na wa-poise ka pa sa pagiging stand-upper mo sa isang live coverage. Like a boss, ika nga.

O, ngayon. Alam mo na? Sensya, wala akong maisip na ending e. May naispatan na naman akong tsiks sa news. 


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...