Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Monday, February 25, 2013

Silang Mga Mapang-Abusong Demokratiko.

12:42 PM | 02/25/2013

Abusado ka masyado e. Ayan tuloy.

Ang daming naganap sa rehimeng hindi makakalimutan ng bawat Pilipino na nabuhay noong dekada ‘80, mula sa isang marahas na diktadurya hanggang sa snap elections hanggang sa nadaya diumano ang resulta, hanggang sa isang napakalaking pakikibaka sa kalsada na kung tawaging ay Epifanio Delos Santos Avenue, hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang isang diktadurya at naibalik ang demokrasya sa ating bansa.
Pero, dalawampu’t pitong taon na ang nakalipas... at ano na nga ba ang nangyari mula pa noong Pebrero 25, 1986, maliban sa nagging over-crowd ang EDSA dahil sa MRT, naglipanang mga mall, condominium, nagtataasang mga billboard at pasaway na mga drayber?

Oo nga, anyare? Hindi naman yata tayo natuto e.


It takes time daw para magkaroon ng pagbabago sa ating bayan. Oo nga naman, pero 27 years is already a long run, and imbes na step by step sana e umaandar tayo paabante e tila lago lang tayo umaatras. Dala ng mga utak talangka? Pwede. Dala ng mga kritiko? Pwede. Pero dala rin ng emosyon? Mas lalo itong akma dahil masyado tayong naghihimutok bilang isang lipunan.

Mantakin mo ha? Lumaya nga tayo sa diuktadurya ni Macoy, pero umangat ba na tulad nung dati? Kung hindi ako nagkakamali ay isa tayo sa mga bansang tinitingala noon sa Asya. Ngayon? Tiger economy pa naman, buti nga umangat tayo ulit eh. Nagagawa pa nating magpautan ng pera noon. Pero ang problema ay ramdam ba ‘to ng mayorya? Sabi nga naman ng isang ekonomista noong nanood ako ng isang newscast noong nakaraang weekend e, isa sa mga senyales ng pagtaas ng ekonomiya natin ay ang pagtaas ng presyo. Hmm... ganun? Dahil marami daw bumibili at bumebenta. Ganun ulit?

Nagkaisa nga ang mga magkakasapi sa minorya sa Maynila noon. Pero matapos ang pagpapabagsak kay Marcos, anyare? Bakit tila bumalik yata tayo sa dating gawi? Hindi yata tayo nakunento sa mga pinaglalaban natin? May kilos-protesta pa rin, nagkaroon pa rin tayo ng matinding dibersyon bilang mga Pilipino.

Bente-syete anyos na, pero sa halip na magmukhang matino ang Pilipinas, ay naku, parang lumala pa yata ito nang dahil sa walang katapusang pamumulitika, paglobo ng populasyon ng mga tao sa Kamaynilaan (bagay na nagbigay sa atin ng mataas na rural rate imbes na sa ubranisyasyon dapat umusbong dahil sa dumamit ang mga informal settler o sa madaling sabi... iskwater), naging ampaw sa sobrang babaw ang taste ng mayorya sa lipunan mula sa musika, pelikula, showbiz hanggang sa ultimo ang pagpili ng kandidato sa eleksyon. Mga naging wapakels o “walang pakialam” sa mga nagaganap sa lipunan  (Sabagay, lecheng “political drama” kasing yan). Isama mo na ang political dynasty sa isa sa mga sigalot na hindi masolusyunan kahit nagkaroon na tayo ng rebolusyon.

Lumaya nga tayo, pero parang umabuso naman din tayo sa demokrasyang tinatamasa natin. Ano ‘to, first time kang makawala sa koral mo matapos ang mahabang panahon na kinandado ka sa isang rehas na bakal? Kaya ba tila lumipad ang sentido mo sa kalawakan ng kawalan noong lumaya ka bilang mamamayan?  Nakalimutan mo ang pagiging disiplinado at isinasaisip ang pagiging nega sa mga naganap noon.

Oo, sa sobrang laya mo, naiwan mo sa dekada ’80 ang common sense at dispilina mo. Kaya nga ngayon ay nagagawa mo ang pagtatapon ng basura sa kung saaang-saang lugar lang. Nagagawa mo ang maging balahura kung magsalita sa kalye. Ang magmaneho as if na ikaw lang ang nagbabayad ng buwis sa BIR. May ganang mambatok ng traffic enforcer at sindakin ang sinuman dahil may baril ka at feeling mong si Asiong Salonga ka.

Kung idadahilan mo ang “lagay,” at iba’t ibang uri ng corruption sa lipunan... Sino ba ang naghalal sa kanila? Tayo din naman, ‘di ba? Ikaw bumoto d’yan, ‘di ba? Sinadya mong magpunta sa tanggapan sa oras na hindi kanais-nais na pagkakataon, ‘di ba? Pinagmamadali mo siya masyado para lang makuha ang mga requirements mo sa gobyerno, ‘di ba?  Kung oo ang sagot mo sa isa sa mga tanong d’yan, e TARANTADO ka pala e. KASALANAN MO YAN! Asan ang sinasabi mong prinsipyo niya? Nagpauto ka naman sa mga pangako at pautot n’ya?  Nasaan ang ugali mo na pagioging masinop sa mga bagay? Nakalimutan mo yata na lahat ng transaksyon na ginagawa natin sa lipunan e may pinagdadaanang proseso, talagang may panahon na nilalaan o tinatagal. At yan ang kailangan mong harapin.

Kung tama si Macoy sa wika niyang “20 years from now, babagsak ang Pilipinas,” e hindi na ako magtataka. At ano ang pinakadahilan nito? Ang pag-aabuso ng tao sa demokrasyang hinahanap at tinatamasa n’ya ngayon.

Oo nga. Abusado ka masyado e. Ayan tuloy. Anyare sa iyo?

May kasabihan, everything happens for a reason. Kung masyado mong dadamdamin ang pagiging marahas ng pamahalaan noon, kawawa ka naman. Nakakalimot ka sa mga bagay tulad ng pagtimbang sa mga bagay-bagay, at ang katotohanan na pasalamat tayo na may pamahalaan pa tayo dahil kung wala, ano na lang mangyayari sa atin?

Pero sa kabilang banda, habang tinitimbang ko ang mga bagay-bagay na naganap, isang tanong ang pumasok sa isipan ko: magkakontrapelo ba talaga ang ating batas at ang karapatang pantao? Kasi napapnsin ko lang, pag pinatupad ng otoridad ang batas ngayon, lagi itong kinokontra ng human rights. At kapag wala naming implementasyong nagaganap, nagngangawa din sila na bakit hindi ito maipatupad ng maayos. At ‘pag nireapso, may say pa rin sila. Ayos lang yun, pero parang panay reklamo naman ang binibitawan nila.

Ano ba talaga, mga ate at kuya? Ang labo n’yo rin e no?

At pahabol lang sa kasabihan. Ika nga ng yumaong uncle ni Spiderman, “with great power comes great responsibility.” Nabubuhay tayo sa demokrasya, which means na tayo ay may mas higit na kapangyarihan sa ating bayan. Kaya nga nagawa natin na mag-People Power at napatalsik natin sa pwesto si Ferdinand Marcos, ‘di ba?

Pero kaakibat nito ang responsibilidad natin. Walang tinatawag na “absolute right” (dahil kung ganun, para mo na ring sinabi na walang mas nakakataas pa sa atin). Kahit ang freedom of speech natin, actually... may limistasyon din. Pero ibang usapin na ’yun.

Basta, huwag lang tayo umabuso masyado.

Sana pinahahalagahan pa rin natin ang demokrasyang tinatamasa natin imbes na magpakasasa sa mga walang kato-atoryang bagay sa lipunan ngayon, isama mo na diyan ang magpakababaw at “swag.” (swagin ko mukha mo d’yan e.)

Kaya nga naimbento ang kasaysayan e. Kahit sabihin pa natin na may pagka-bias yan. Para hindi tayo makalimot sa mga naganap noon at bagkus ay maging hakbang pa ito papunta sa ating kaunlaran, hindi yung “holiday kasi e” ang gagawing dahilan kung bakit ka walang pasok twing February 25 at iba pang petsa ng ating mga national holidays sa kalendaryo natin.

Author: SLICKMASTER | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...