Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Monday, February 11, 2013

Positive lang.


11:39 AM | 02/11/2013

psyblogger.com
(Maliban sa mga usaping tulad ng pregnancy test, ha?)

Hindi ako isang sikolohista o ni isang eksperto sa anumang larangan. Bagkus ay ang mga ilalahad ko lang dito ay resulta ng aking obrserbasyon sa lipunan at sa tingin ko ay ang aking posibleng maiambag o maitulong sa sinumang magbabasa nito.

Sa lipunan na kung saan ay naglipana na ang mga negatibong bagay at ideya, isang bagay lang ang tila gamot sa sakit o ang solusyon sa mga nagbabagang hinaing. Ang maging positibo ang pananaw sa buhay. Yan ay kahit sa kabila ng mga hindi magagndang nangyari sa ating buhay.

Sabagay, ito ang kailangan ng tao lalo na kung lagi niyang nararanasan ang mga ito.


Ang ma-stress sa kanyang trabaho at sa ibang mga bagay. Come to think na ayon sa mga dalubhasa sa medikal na propesyon ay isang malaking factor ang stress kaya nagkakasakit ang tao, o mas masaklap ay lumalala pa nga ito. Kaya tumatanda ang tao nang wala sa tamang hulog.

Ang magpadala sa mga hindi mabubuting bagay na nakikita sa paligid. Marami bang tao ang nambalasubas sa kapwa nila at hindi mo maiwasan na mapansin ang mga ito dahil agaw-atensyon nga naman sila? Nanood ka ba ng mga balita sa TV at napansin mo lahat na lang ay masasama ang nanngyayari mula sa mga kakulangan sa gobyerno hanggang sa pagiging pasaway ng mga kapwa mong mamamayan hanggang sa dumarami ang mga manloloko’t kawatan? Sabagay, napakahirap naman yata ang isipin na paano mo nga ba ituturn ito sa positibong side kung talagang hindi maganda ang nangyayari?

Pero posible yun ha?

May kasabihan nga naman na maihahalintulad sa tinatawag na “law of attraction.” Ang anumang nangyayari sa iyong buhay ay resulta ng iyong pag-iisip. Ibig sabihin, kung negatibo ang mga naiisip mo, para ka na ring nag-aatract na mangyari ang mga negatibong bagay sa buhay mo.

Kaya madalas sa pagiging totoo, ang sikreto ng isang tao para maging masaya siya ay ang pananatili ng kanyang optimistikong pananaw sa buhay. Hindi sa sinasabi ko huwag kang maging realistic. I mean, sakto lang. Maging open sa lahat ng posibilidad pero mas mag-focus ka sa bagay na posibleng magdala sa iyo ng magandang resulta. Basta, it's all in the mindset kaya subukan mong mag-isip ng mga ikagaganda ng iyong buhay.

Huwag mong isipin na ang bawat araw ay pare-pareho lang ang mga nangyayari at mangyayari sa iyo, kahit sa totoo lang e siyam sa sampung beses ay ganun nga. Malay mo ‘di ba? Yung isa sa sampu na yun ang posibleng magdala ng kakaiba pero magandang mga bagay para sa iyo.

Don’t let a bad moment ruin your day, ika nga sa Ingles. Ibig sabihin, huwag magpadala sa isang hindi kanais-nais na pangyayari na iyong naranasan kanina. Natrapik ka sa kalsada ng sobrang bigat at tagal? Ang haba ng pila sa istasyon ng tren at terminal ng mga pampasaherong sasakyan? Napagalitan ka ba ng iyong magulang at boss sa trabaho? Okay lang na magdaramdam ka for the moment. Pero huwag mong hayaan na i-drive ka ng bad vibes para sa araw na iyun. Kawawa ka sa bandang huli pag nagkataon. Kung kayang sirain ng isang bad vibes ang araw mo, kaya namang baguhin ng positive mindset ang buhay mo.

Tangkilikin ang mga bagay na nakakapagpasaya sa iyo, mababaw man o malalim (though aminado ang inyong lingkod na huwag naman sobrang babaw at sobrang lalim – yung sakto lang ba).  Natatawa ka ba sa mga palabas na komedya, pwede yun. Nagbabasa ka ba ng mga magagandang artikulo at balita? Isa pa yun. Naiinspire ka ba sa mga kwento ng tagumpay at pagsubok nila? Gawin mo silang ehemplo para sa iyong sarili at gawin ang tama at nararapat para masabi mo na “Damn! Kaya ko pala ‘to!”

Kontrolin ang stress. Labanan ito, tulad ng mga tipikal na komersyal ng mga vitamins, samahan pa ng exercise, proper diet.

Kung relihiyoso ka, maaring idaan ito sa pagdarasal. Isipin na lahat na nangyayari ay may dahilan pero para sa ikabubuti mo yan. At hindi porket hindi niya tinupad ang bagay na dinadasalan mo e isusumpa mo na siya. Huwag ganun, Diyos siya hindi Santa Claus, Genie o ultimo ang iyong "Sugar Daddy."

Maging pasensyoso ka sa mga bagay-bagay. Magtiyaga din. Hindi lahat ng magandang pangyayari ay nakukuha sa isang upuan lang. D’yan din lalabas kung gaano ka kataimtim magdasal, kasipag magtrabaho, ayusin ang pagkakamali kung meron man, at maging hopeful para sa best mo. Ika nga ni 'tol Robin Padilla sa kanyang commercial dati, “Huwag kang aaayaw! Think Positive!” Sa kasabihan pa lang na iyan, malalaman mo na kung bakit ang mga tao, ke mahuhusay man talaga o hindi ganun kahusay, e nagtatagal sa kanilang mga bagay na minamahal at nagiging masyasa sila dito. Dahil sinasamahan nila ng sipag at tiyaga ang pagiging optimistiko sa buhay.

Ngumiti ka. Ang ngiti ay madalas nakakapagpaattract ng mga magagandang pangyayari, tao at ugnayan. Minsan nga, diyan nagsisimula ang isang magagandang pagkakaibigan at pati na rin ang relasyon e.

Parang work and have fun lang. Ayos ‘di ba? Walang masama kung magseryoso ka, pero isipin mo na lang na there’s a lot of good vibes in store for you para sa araw-araw na nabubuhay ka.

Positive lang, mga parekoy.

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...