Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Sunday, February 10, 2013

Playback: Sino Si Ramon Bautista? (Yung Pogi)

02:28 PM | 02/10/2013

Hindi lang ito usapin ukol sa pagiging Pogi o Tunay Na Lalake.

Video: Sino Si Ramon Bautista? ('Yung Pogi) Official Music Video

Well, maiba naman tayo, ito ang nasa aking spotlight ngayon. Magkahalong intellectual wit, pop culture, at rap music (na parang may pagkanovelty pa ang dating) ang aking nasa primerong listahan ngayon. Ayo slang ito kesa naman sa mga pautot na nakikita ko sa mainstream talaga no?

Teka, sino nga ba si Ramon Bautista? Yung Pogi!
Ang music video na ito ay dinirek ni RA Rivera, prinoduce ng Nivea Philippines para sa kanilang #LikeAPogi campaign last year. At ang mga umawit ay sila Lil Coli ng 187 Mobstaz kasama si Young Coli.

Sa kantang ito nakalarawan ang ginagawa ng isang “Pogi.” Kasama na diyan ang pagiging gentleman, mapagalaga sa kalikasan, tamang gawain bilang isang mamamayang lalake, matinong estudyante, masinop sa gawaing bahay at iba pa. Sa mata ng mga babae, ito ay mailalarawan bilang perpektong lalake.

Ang tanong, meron ba nito ngayon? Meron siguro, kung maisasantabi niya ang labis na pagiging macho o ideya na kung tawagi’y machismo.

Sa description ng video nito na inupload ng channel na NIVEA Philippines... ang sabi ay
These days, being pogi is more than just having naturally good looks, it's about having the right attitude that truly makes the difference.”

Ibig sabihin, wala sa itsura (o “hindi lang sa itsura,” kung ipagpipilitan mo ang pagiging superficial mo) ang pagiging magandang lalake o “Pogi.” Nasa kalooban din ito, at hindi ito nakikita sa kanyang paghuhubad ng saplot, dahil ang kalooban na tinutukoy ko ay ang kanyang asal o ugali.

By the way, tampok din sa music video na ito sila Jun Sabayton, Bart Bartolome, Lourd de Veyra, at iba pa.

Teka, dahil ba sponsored at produced ito ng isang brand ng body and skin care product, may pagka-tunog kommersyalismo diba? Pero ayos lang yan, may meaning kahit papaano. Kung ganito lang sana ang mga umaandar sa mga advertising sa ngayon imbes na kita sa produkto lang ang pagtuunan ng pansin, e ‘di everybody happy na siguro, ‘di ba? Everybody pogi.

Basta, para sa akin ang tunay na pogi, parang mga rap sa kanta ni Raom Bautista.

Kung di niyo ma-gets yan, dalawang bagay. I-Google mo na lang ang lyrics niyan o hanapin sa duluhang parte ng libro ni Ramon Bautista na Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions 

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...