Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Saturday, October 20, 2012

Alaala (ng Minsa’y Naging Isang Batang Gala sa Probinsya Kasama ang Mga Tiyahing Nagmamahal)

10/20/2012 01:33 PM


Matagal-tagal rin mula noong huling napadpad ako sa lugar na ito. Ang probinsayng kinalakihan ng erpat ko. Cuyapo, Nueva Ecija, sa may 172 kilometro hilaga mula sa pinakasentro ng buong malaking pulo ng Luzon. Dito ako madalas napapadpad pag pumupunta ako sa bandang Norte, maliban pa sa Isabela, Baguio at Manaoag.

Marami akong alaala bilang isa sa mga bata na laging sinasama ni tatay para asikasuhin ang lupang sinasaka nila ng kanyang mga kapatid. Maliban dun, tuwing piyesta lang ako pumupunta dito. Kapag fiesta sa bayan, o pista ng mga patay.

Yung minsa’y magigising ka ng umaga at ang anti mo ay naghain sa iyo ng delatang corned beef at pandesal. At take note, sa pisong halaga kada piraso nun, singlaki na ng doble sa size ng pandesal ngayon ang tinapay noon.

Pagkatapos ng almusal, hihiramin ang bisikleta ni Uncle Ama (yung parang nakita ko to sa mga palabas mula sa bansang Hapon, yung parang napakanipis tignan ng gulong, ah… ewan), gagala kung saan-saan. Kahit alas-sais ng umaga, dadaan sa sementeryo, dadalawin ang mga namayapang kamag-anak, hanggang sa mapadpad sa kabilang dako ng bayan (poblacion kung tawagin), sa isang lumang daanan na nagsilbing riles ng tren nun, mga baryo’t mga bahay sa gitna ng talahiban… wala nga lang ako pakialam kung saan ako makarating. Ang alam ko lang ay natatandaan ko kung ano ang dadaanan ko pabalik.

Matapos ang umaga, sige, gala pa rin. Ganyan ang buhay ko ditto e. kung hindi ako makita na nagrerenta sa computer shop, nasa bayan lang. Namamasyal, kumakain sa BigMack… pero mas madalas na gawain ko yun kapag fiesta. Maraming tiangge e. marami akong matitignan, maraming bibilhin, at maraming bagay na naman akong kaiinggitan.

May mga pagkakataon na nasa basketball court ako nakikipaglaro kahit yung sahig nun ay nagsisilbing bilaran ng palay. Kati lang no?

At madalas pag gabi niyan, umuuwi na ako pabalik ng Bulacan.

Kaya lang naging matindi ang mga alaala ko dun dahil ang mga tao na nakakasalamuha ko dun ay namayapa na. Nakakamiss lang ba. Wala na kasi ako nakakausap, nakakahalakhak. Lahat sila, dadayuhin ko pa sa sementeryo para lang magbitaw ng salitang “kumusta?” na may kasama pang panalangin at may sinding kandila.

Si Uncle naman, nasa bukid na. Tyempuhan lang para makadaupampalad muli. Pero may mga pagkakataon naman na ako mismo ang pumupunta sa kinatitirikan niya dun. Makwela pa rin. Akalain mo oh. 

Still, namimiss ko pa rin ang mga nagsisilbing pansamantalang nanay ko dun. ‘Di bale, darating ang panahon at makikita ko ulit sila.

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

Follow SlickMaster on: TwitterInstagramFacebookFlickrand Tumblr.

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...