Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Thursday, September 27, 2012

Tatanda Ka Na Naman… (Birthday Mo Na Naman, E Ano Ngayon?)

09/27/2012  11:16 AM

Lumampas na naman ang isang taon sa buhay mo. Madadagdagan na naman ng isa ang numero ng edad mo. Isa ito sa pinakamasayang araw sa karamihan, maliban na lang kung nagdiriwang ka din ng mga espesyal na araw told ng Pasko, Bagong Taon, Valentine’s Day, o ultimo month-sary at iba pa.

Birthday mo na naman… oo, birthday ko nga, e ano ngayon? Siyempre, given na kapag may birthday, marami ang babati sa iyo. Maliban kasi sa petsa ng kamatayan (o minsan pa nga e nakakalimutan din yan), ito ang panahon na madalas kang maalala ng tao. Kung may temporary amnesia ang iba, may paraan pa naman… iyan ay sa pamamagitan ng Facebook account. Kapag diyan nakalimot pa sila, ewan ko na lang, maliban na lang kung sinadya na hindi ilagay ang birthday mo sa iyong profile information doon.

Birthday mo na naman… oo, birthday ko nga, e ano ngayon? Malamang, may handaang magaganap. Maliban na lang kung ikaw ay katulad ko na sinasarili ang araw na ito. Hindi iyon sa pagiging madamot, tanga! Moment ko ‘to e. WALANG BASAGAN NG TRIP! Ang daming problema na dapat pagkagastusan, birthday pa ba ang naiisip mo? Pero sa kabilang banda kasi e iyun na nga lang ang pinakaespesyal na araw sa buhay mo, gagawin mong ordinaryong araw na lang? Minsan lang iyan sa isang taon, tsong. At alalahanin mo lalo na kung relihiyoso ka man, hindi natin hawak ang ating sariling buhay.

Birthday mo na naman… oo, birthday ko nga, e ano ngayon? E di manlibre ka naman! Tsong panghanda nga e wala e, pera pa kaya. Lalo na sa panahon ngayon na hindi ka pa makahanap ng trabaho, o kung makahanap ka man, underpaid at contractual pa. Maliban pa diyan, e marami rin ang mapagsamantala. Ke kawatan man ang usapan o ultimo ang mga lehitimong balasubas sa lipunan.

Birthday mo na naman… oo, birthday ko nga, e ano ngayon? Siyempre, BEER day na yan (teka lang, beer day o beer night?). Pero kung wala ka talagang pang-serbesa, ayos na yung magpasalamat ka dahil ilang taon na ang nilagi mo sa mundo at buhay na buhay ka pa rin. Either may natitira ka pang misyon sa buhay mo o sadyang maalaga at maingat ka sa iyong sarili. At pasalamatan mo rin ang magulang mo dahil kung wala sila, e sa tingin mo ba mag-eexist ka pa rin ba sa mundong ito sa ganyang katauhan mo? Sila din kasi ang mas natutuwa noon lalo na noong ipinanganak ka mula sa sinapupunan ng iyong nanay. Maliban pa sa kumadrona, umaalalay sa kanila noon na nurse (kung meron man), at mga taong malalapit sa kanila at sa iyo ngayon na halos saksi rin sa mga pangyayari na iniluluwal ka ng iyong ermat (unless kung andun din sila sa delivery room o bahay o kahit sa eroplano istasyon ng tren o ultimo sa kalye lang).

Birthday mo na naman… oo, birthday ko nga, e ano ngayon? E di mag-happy-happy tayo. Hahaha!

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions.

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!