Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Tuesday, August 21, 2012

Social Cyber-Warfare

08/21/2012 07:25 PM

Sa totoo lang, nagtataka din ako e. Akala ko ba... isang social networking site ang Twitter, pero bakit tila nagiging isang malaking battlefield ito?

Photo credits: The Hollywood Reporter
Akala ko nga rin eh.


Naku, kung inaakala niyo na sa mga lona ng boksing/wrestling, oktagon, steel cage o ultimong mga trash-talk sa press conference ang mga lugar ng mga maangas na tao sa mundong ito,. nagkakamali kayo. Ngayon, para makasaksi ka ng isang cyber war a la World War III, ang kailangan mo ay ang mga ito: computer, internet connection, at siyempre, account sa Twitter.

Pero hindi ba ang social networking ay dapat ginagamit sa mga mabubuting bagay? Yung tipong mina-market mo ang sarili mo parang magkaroon ka ng magandang rapport sa social network mo? Ganun sana. Pero sa katunayan, social networking pa rin naman yun. 

Yun nga lang, sa kabilang banda. Kung panay himutok at negatibong mga bagay ang lumalabas sa profile mo, asahan mo na ang akala ng tao ay galit ka sa mundo o baka naghananap ka pa ng away. Dahil hindi lahat ng mga tao sa internet ay matitino. 'Yung iba diyan, sadyang trip ang mang-balasubas ng kapwa.

Ang sa lagay ba, may nangyayari ding gulo sa mga aktwal na aktibidad ng social networking? Oo, given na iyan, maliban sa mga brawl sa bar. Pero yan ay ibang usapan na.

Pero bakit mas sikat pa ang Facebook kesa sa Twitter, eh 140 characters lang ang kasya dun kung ikukumpara? 

Oo nga e. Hindi naman hamak na mas makakpaglahad ka ng maayos sa Facebook. Pero siguro, dahil mas sanay tayo maging usisero, lalo na ang mga prominenteng tao ang mas madalas na gumagamit ng Twitter. Ang mga “official” pages sa fb? Hindi lahat diyan ay garantiyang opisyal o lehitimo. Sa Twitter, kapag celebrity ka, verified ang account mo.

At dahil mas mariaming mga personalidad ang gumagamit ng Twitter kesa sa Facebook, diyan madalas nagkakaroon ng gulo. Mula sa artista-versus-fan-ng-isang-football player, sa artista-versus-politician, o kahit pulitiko sa pulitiko pa ang duelong nangyayari diyan, at kung anu-ano pa. Sa Twitter ka mas madalas nakakakita ng mainit pero madalas ay matitinong argumento. 

Sa FB? Asa. 'Pag natalo ang isa, namemersonal na eh (ad hominem ba). Mas prangka nga, pero mas balasubas naman.

Pero either way, mas maganda pa rin siguro kung gagamitin natin sa kagandahang asal ang mga social networking sites. Ika nga, THINK BEFORE YOU CLICK.

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

Follow SlickMaster on: TwitterInstagramFacebookFlickrand Tumblr.

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...