Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Monday, June 4, 2012

Kalandian Nga Ba?

06/04/2012 09:43:00PM

Minsan ako nagmasid sa mga bagay-bagay noon. At sa unang pagkakataon, bigla akong na-culture shock. 

Mantakin mo ha? Nagja-jogging ako sa bandang riverpark at madalas kong makita ay ang mga batang nagaakbayan. Yung iba, dun sa gilid ng puno, halos makipaglaplapan. Sa isang banda naman nakikita ko ang mga babaeng may kargang bata pero halata naman na bata pa, at sumususo pa ang anak sa kanyang dibdib. At minsan namang gumala ako sa isang sikat na gimikan, at wag ka, alam kong hindi pa 18 tong si totoy at neneng pero kung makapag bump and grind sa dance floor, akala’y nakikipag-sex sa kanyang master’s bedroom. Ito pa ang siste, ilan sa mga batang napansin ko, kamag-anak at kaibigan ko pa. Aba, nadaig pa ko, ‘no?

Well, dapat matuto na rin ako. Nagbabago na ang panahon ngayon. Kaya huwag na rin tayong magtataka kung bakit karamihan sa mga bata ngayon ay daig ka pa sa pakikisalamuha sa opposite sex at isama mo na dyan ang pag-ibig. Kung bakit nagiging liberal na ang pananaw ng mga tao sa sex, at makikita ito sa pananamit at kilos o asta nila.

Marami ba dapat sisihin dyan? Posible. 

As in, oo naman. Pinakamatindi dyan ay ang environment, yung mga bagay na kinalakihan niya bilang tao. Pero mas makikita ang pagsisis ito sa karamihan sa mga palabas at popular na kultura ngayon.

Ang lawak kasi ng sakop ng media kaya hindi kataka-taka na sa kung anuman ang napapanood natin, naiimpluwensyahan tayo little by little. Tipong mga telenobela na panay romantikong drama ang tema? Isang malaking TSEK. Mga music video ba ng sikat na mang-aawit? Isa din yan. In fact, kung mapapansin mo lang, karamihan sa mga tema ng pop music mula noong dekada ‘80 hanggang ngayon, sa dalawang bagay umiikot ang mga ito: kung hindi ROMANTIKONG PAG-IBIG, ang akto ng pagroromansa mismo... ang SEX.

Isama mo na dyan ang pornograpiya, kahit sa totoo lang ay maypagka-labag sa aking kalooban. Hindi dahil sa minan ay nanonood ako sa mga ganitong bagay ha? Pero the fact ngayon na napaka-accessible ang internet sa lahat ng tao, ba wag ka nang magtaka kung yung isang totoy dyan sa computer shop e nag-you-Youjizz sa oras ng klase niya sa halip na nasa eskwelahan siya, at take note, may karatula pa na “bawal ang mag-browse” sa ganung sites. Ba, ayos ah.

At isa sa mga matinding binabatikos ngayon ay ang isang reality show na naglalarawan ng mga “kalandian” daw ng kabataan ngayon. Well, sa totoo lang, hindi ko kakastiguhin ang naturang palabas tutal hindi ko naman napapanood yan. Bagamat ayon sa feedback ng karamihan sa mga social networking users e naglalarawan daw ito kung gaano lumandi ang kabataan ngayon. Ganun? Kaya pala nauso ang mga patamang quotes na ang tema nito ay kalandian.

Sa kabilang banda, ang magulang din daw ang possibleng pangunahing dahilan kung bakit lumalandi ang mga kabataan ngayon. Sabagay, anong klaseng magulang ka kung hindi mo madispilina ang anak mo? Kung mas malakas pa sa iyo ang mga porn, drama, at ibang mga material na bagay na may kinalaman dun. 

Pero ang hirap naman kasi kung magulang ka ngayon na umaabuso na ang mga bata. Porket may anti-child abuse law ba? Kung dati okay na okay sa atin ang minsan mapalo ng dos por dos sa ating mga pwetan, aba ngayon ay good luck kung magagawa mo pa yan sa anak mo. Ang hirap gawin ang anak ng ayon sa kagustuhan mo ngayon.

Hindi rin kaya masyado tayong nakikiuso sa mga bagay sa kanluran na kung saan ay nagiging liberal ang mga tao doon? Well, ok naman maging liberal, in fact, may pagkakataon na magiging open-minded ka e. yun nga lang, lahat ay may limitasyon pa rin kahit sa paglalantod.

May tamang lugar at panahon kasi kung saan ka pwedeng makipaglandian. Kung bahay man yan, siguraduhin mong wala kang kasama dyan, o di naman kaya’y wag sa bahay ni Kuya.

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...